Andito ka ba dahil sa module mo, o may project lamang na kailangang matapos tungkol sa mga halimbawa ng Anyong Lupa o Landforms? For this post we gathered some of the examples of Landforms and listed those below. The 14 kinds of landforms are burol (hill), bulkan (volcano), kuweba (cave), tangos (small peninsula), baybayin (coastal area), pulo (island), talampas (plateau), disyerto (desert), tangway (peninsula), kapatagan (plain), lambak (valley), bulubundukin (mountain range), bundok (mountain) and kapuluan (archipelago).
LIST: Mga Anyong Lupa (Landforms)
1. Burol o Hill - isang anyong lupa na hindi kasing taas ng isang bundok. Halimbawa nito ang mga Chocolate Hills sa probinsya ng Bohol.
2. Ang isang
bulkan (volcano) ay isang bundok na may lava (mainit, likidong bato) na lumalabas mula sa isang chamber ng magma sa ilalim ng lupa. Ang mga bulkan ay nabuo sa pamamagitan ng paggalaw ng mga tectonic plate. Halimbawa ng bulkan ay ang Mayon na matatagpuan sa Albay.
3. Ang yungib o kuweba (cave) ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop. Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga anyo ng tubig. Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang Tabon sa Palawan, Pilipinas. Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.
4. Tangos (small peninsula, see Tangway below)
5. Ang dalampasigan o
baybayin (coastal area) ay ang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng dagat. Kilala rin ito bilang baybayin, aplaya, tabing-dagat, pasigan, baybay-dagat, lambanog, pundohan, at palanas. Tinatawag itong pampang kung katabi ng ilog ang anyong lupa, na maputik imbis na tao.
6. Ang pulo o isla (island) ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
7. Ang talampas (plateau), na kung minsang tinatawag ding
mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilang pantayanin, bakood, at bakoor.
8. Sa heograpiya, ang isang
desyerto, disyerto, ilang, ulog (desert) ay isang anyo ng lupa na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mga buhangin at mabatong ibabaw.
9. Ang isang
tangway (big peninsula) o
tangos (small peninsula) (Ingles:
peninsula, cape, promontory) ay isang anyong lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.
10. Ang kapatagan (plain) sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.
11. Ang
lambak (valley) na tinatawag ding
libis ay isang mababang lugar sa pagitan ng mga burol or mga bundok, karaniwan na may ilog na dumadaloy dito.
12. Ang bulubundukin (mountain range) ay isang uri ng anyong lupa na nakahanay. Ito ay isang heograpikong lugar na binubuo ng maraming bundok na magkakaugnay sa heograpiya. Kadalasang ang mga sistema ng bundok o sistema ng mga bulubundukin ay ginagamit upang ipagsama ang mga ilang katanginang pang-heograpiya na may kaugnayan sa heograpiya o (sa rehiyon).
13. Ang kapuluan (Ingles: archipelago), ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan na naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo. Ang Pilipinas, Hapon, Indonesia, Taiwan, Bagong Silandiya, Maldives at ang Kapuluang Britaniko ay mga tanyag na halimbawa ng mga kapuluan.
14. Ang Bundok (mountain) ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol.