ugnay, Kahulugan, Uri at Halimbawa

文章正文
发布时间:2024-09-04 21:22

Ano ang Pang-ugnay, Kahulugan Uri at Mga Halimbawa

Habang ang pagsusulat ay isang maingat na paghabi ng mga salita at ideya, ang pang-ugnay ay ang sinag ng liwanag na nagbibigay buhay sa ating mga pangungusap.

Sa artikulong ito, ibabahagi natin ang kahalagahan ng mga pang-ugnay—mga tahimik pero importanteng kagamitan sa panitikan.

Tatalakayin natin ang iba’t ibang uri ng pang-ugnay, kasama ang mga halimbawa na magbibigay-diin sa kanilang gamit.

Pagkatapos ng paglalakbay na ito, tiyak na mas maiintindihan natin ang kanilang papel sa pagsusulat. Sa gayon, handa na ba kayo na tuklasin ang lihim ng pang-ugnay?

Talaan ng Nilalaman

Ano ang Pang-ugnay

Ang pang-ugnay ay mga salitang ginagamit sa pagsusulat o pagsasalita para mapag-ugnay o maikabit ang isang ideya sa iba pang ideya. Ang mga ito ay madalas na ginagamit para sa paglilinaw, pagbibigay-diin, o pagpapahayag ng relasyon sa pagitan ng mga pangungusap, mga parirala, o mga salita.

Ginagamit ang mga pang-ugnay upang gawing mas maayos at malinaw ang pagsasalita o pagsusulat, at upang matulungan ang mambabasa o tagapakinig na maunawaan ang relasyon sa pagitan ng mga ideya o impormasyon.

Uri ng Pang-ugnay

Ang tatlong uri ng pang-ugnay ay ang pangatnig, pang-angkop at pang-ukol.

Pangatnig

Ang pangatnig, o conjunction sa Ingles, ay isang bahagi ng pananalita na ginagamit upang magdugtong o mag-ugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay—mga bahagi ng pangungusap na may buong diwa. Sa pagdudugtong na ito, nakakabuo tayo ng isang malinaw na mensahe o kaisipan.

Mga Uri ng Pangatnig

Ang pangatnig ay may sampung uri. Ito ang panlinaw, panubali, paninsay, pamukod, pananhi, panapos, panimbang, pamanggit, panulad, at pantulong.

Panlinaw

Ang pangatnig na panglinaw ay ginagamit upang ipaliwanag ang isang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Ginagamitan ito ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.`

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panlinaw na ginagamit sa pangungusap.

Nag-kasundo na kami kung kaya ang aming mga alitan ay wala na.

Nagsumikap sa pag-aaral si Juan kaya nakatapos siya sa kolehiyo.

Tapos na ang klase, kung gayon ang mga bata ay puwede ng umuwi.

Panubali

Ang mga pangatnig na ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan. Halimbawa nito ang mga salitang kung, kapag, pag, sakali at disin sana.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panubali na ginagamit sa pangungusap.

Mag-aaral kang Mabuti kung ayaw mong bumagsak.

Kapag pupunta si Max ay pupunta rin ako.

Sakaling babagsak ako ngayong semester, mag-aaral na akong mabuti sa susunod.

Paninsay

Ang pangatnig na paninsay ay ginagamit kapag ang unang bahagi ng pangungusap ay sinasalungat ng pangalawang bahagi nito. Halimbawa nito ang mga salitang subalit, bagaman, datapwat, ngunit, samantala, kahiman o kahit.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na paninsay na ginagamit sa pangungusap.

Mahal ko siya, subalit hindi ko ito gaanong ipinapakita sa kaniya.

Maraming suliranin ang buhay ng tao, bagaman ito’y hindi hadlang para tayo ay madaling susuko.

Binigay niya ang kaniyang baon datapwat siya ay gutom na.

Pamukod

Ang pangatnig na pamukod ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi ng ilang kaisipan.  Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang maging, ni, man, at o.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na pamukod na ginagamit sa pangungusap.

Mahal ka ni Juan maging sino kaman.

Walang problema sa akin maging si Jen man mananalo sa patimpalak.

Ako ba o siya ang pipiliin mong makapares sa kanta?

Pananhi

Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pananhi ay dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na pananhi na ginagamit sa pangungusap.

Nagkagulo sa bahay nila Juan at perdo dahil sa ag-aaway ng kanilang ama at ina.

Sanhi sa mainit na panahon kaya siya ay sinisipon.

Umapaw ang ilog sa dam sapagkat walang tigil ang ulan.

Panapos

Ang pangatnig na panapos ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panapos ay sa lahat ng ito, sa wakas, sa di-kawasa, upang at sa bagay na ito.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panapos na ginagamit sa pangungusap.

Sa lahat na ito, ang mabuting gawin ay maghanda.

Sa wakas, uuwi na rin si mama.

Sa di-kawasa, ang seminar ay tapos na.

Panimbang

Ang pangatnig na panimbang ay ginagamit sa paghahayahag ng karagdagang impormasyon at kaisipan. Ang mga halimbawa ng panagatnig na panimbang ay at, saka, pati, kaya o anupa’t.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na panimbang na ginagamit sa pangunugusap.

Si Juan at Pedro ay nagtungo sa paaralan.

Kumain siya ng manga at bagoong.

Pati ang pusa ay kanyang tinulungan.

Pamanggit

Ang pangatnig na pamanggit ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit ay daw, raw, sa ganang akin/iyo, at di umano.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit na ginagamit sa pangungusap.

Magagaling daw kumanta ang mga taga Cebu.

Siya raw ay mahusay maglaro ng chess.

Sa ganang akin, ikaw ang pinakamaganda sa lahat.

Panulad

Ang pangatnig na panulad ay tumutulad sa mga pangyayari, kilos at gawa. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panulad ay kung sino..siyang, kung ano..siya rin, kung gaano..siya rin.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na panulad na ginagamit sa pangungusap.

Kung sino ang nag-umpisa ay siya rin ang tatapos.

Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.

Kung gaano kalaki ang kinuha siya rin ang dapat babayaran.

Pantulong

Ang pangatnig na pantulong ay nag-uugnay ng nakapag-iisa at hindi nakapag iisang mga salita, parirala o sugnay. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong ay ang mga salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat o dahil sa.

Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong na ginagamit sa pangungusap.

Makakakain lang ako kapag tapos na akong nagluto.

Kumain ng gulay upang ang buhay ay maging makulay.

Nag-aaral siyang mabuti upang makakakuha ng mataas na marka.

Pang-angkop

Ang Pang-angkop ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring katulad ng pang-uri at ng pang-abay. Ito rin ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.

Mga Uri ng Pang-angkop at Halimbawa

Narito ang mga uri ng pang-angkop at Halimbawa sa pangungusap:

Na

Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.

Halimbawa ng Pang-angkop na “Na” sa Pangungusap

Ang malinis na hangin ay ating kailangan.

Ang banal na kasulatan

Ang malinis na baso.

Ang matalim na kutsilyo.

Ang mainit na  kape.

Ng

Dinudugtungan nito ang mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o, u).

Ang masaganang pagkain.

Ang malaking mata.

Ang basang sisiw.

Ang kotseng itim.

Ang magandang bata.

G

Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na na dinudugtungan ng g.

Kasuotanmadumi.

Luntianbulaklak.

Usapandi kaaya-aya.

Ang pagkaing masarap.

Ang tanghaliang mabango.

Ang panahong maulan.

Ang dayuhang mabait.

Pang-ukol

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip o pang-abay sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Ito rin ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak o sa pagmamarka sa iba’t ibang semantikong pagganap.

Halimbawa ng mga Pang-ukol

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pang-ukol sa Filipino at Tagalog:

sa/ sa mga

kay

kina

nang may

hinggil sa

hinggil kay

laban sa

laban kay

mula sa

ng mga

sa/ kay

tungkol sa

tungkol kay

nang wala

ayon sa

ayon kay

ni/nina

labag sa

alinsunod sa

alinsunod kay

para sa

para kay

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pang-ukol na ginagamit sa pangungusap.

首页
评论
分享
Top