Normal lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa sa panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito. Bukod sa pag-alaga ng ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na alagaan natin ang ating mental health habang nananatili sa loob ng bahay.
Huwag hayaang malugmok sa mga negatibong naiisip at huwag mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan mo ito.
Napag-iinitan ka ba ng mga magulang mo at palagi kang pinapagalitan? Imbis na mainis lang, kausapin sila ng masinsinan at gawing pagkakataon ang pagkakasama-sama sa bahay para makipag-bonding sa mga magulang. Makipagkwentuhan nang mas makilala at maunawaan ninyo ang isa’t isa.
Miss mo na ba ang barkada? Gamitin ang social media, video call, chat o text para kumustahin at makausap ang mga kaibigan. Makinig sa mga mga kwento, naiisip at nararamdaman ng isa’t isa. Let’s survive this together!
Maghanap ng pagkakaabalahan o mapaglilibangan. Subukan mong matutunan ang isang hobby, skill, o talent. Nakakatulong ito sa pagbawas ng anxiety sa panahong ito. Kahit wala ka sa school, pwede ka pa ring matuto ng mga bagong bagay.
UNICEF Philippines
Gumawa ng routine at sikaping sundin ito. Pwede kang tumulong sa gawaing bahay sa umaga, mag-practice ng pagtugtog sa hapon, at magbasa para linangin ang kaisipan sa gabi. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Huwag rin kalilimutang mag-relax at magpahinga.
Gumalaw-galaw at magpapawis. Mag-exercise. Gawin ang mga dance challenge sa TikTok o YouTube. Yayain rin ang mga kasama mo sa bahay na sumali sa video para mas masaya! Nakakatulong ang exercise at paggalaw ng katawan sa pagpapalakas ng resistensya laban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.
Kahit may na-miss kang mga milestone sa buhay dahil sa quarantine, tulad ng graduation o birthday celebration, kaya mo pa ring lumikha ng memories. Ipagdiwang ang mga achievements at special occasions sa sariling paraan. Mag-photoshoot, vlog, mini-ceremony, at virtual celebration sa social media kasama ang iyong mga kaibigan at kamag-anak.
UNICEF Philippines
Maging isang smart at responsableng netizen. Dahil virtual na ang karamihan sa ating connections, maging maingat at mapanuri online. Suriin ang mga impormasyon at nakakasalamuha online. Mag-share lamang ng mga makabuluhang bagay.
Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t makakaya, lalo na’t kung nahihirapan ang pamilya mo sa panahong ito dahil sa pagkawala ng trabaho o kakulangan ng pangtustos sa mga pangaraw-araw na pangangailangan. Survive as one family tayo!
Kailangan mo ba ng kausap? Hindi ka nag-iisa. Makipag-chat o text sa mga kaibigan o kamag-anak. Kung nakakaramdam ka ng anxiety, may handang makinig sa iyo!
UNICEF Philippines
Nalulungkot ka ba sa sitwasyong dala ng COVID-19 at sa mga balita tungkol dito? Maging boses ng kabataan at magbigay-inspirasyon sa iba! Nakararanas tayong lahat ng lungkot at hirap dahil sa krisis na ito. Makakatulong ang pag-unawa sa isa’t isa, at pag-share ng saya at pag-asa.
Appreciate life pa rin! Subukan mong maglista ng tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo araw-araw. Di mo kailangan i-explain. I-share mo lang. Tuloy ang buhay. Lalaban tayo!