Sa mga nakalipas na panahon, sa panahon ng ating mga ninuno ay mayroon na silang mga wikang ginagamit. Ang Alibata o Baybayin ang pangunahing wika na nakuha ng mga Pilipino mula sa mga dayuhan. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nawala ito at napalitan ng wikang tinawag na Filipino. Sa kasalukuyang panahon ay wikang Filipino an gating ating wikang pambansa sa Pilipinas; malago ang wikang Filipino dahil marami ang gumagamit; May mga nagsasabi na ang wikang Filipino ay tuluyang napapalitan ng wikang dayuhan (tulad ng English), at higit itong tinatangkilik kaysa sa Wikang Filipino; totoo nga ba ito? Base sa aming nakalap na impormasyon " (research sa lagay ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon) " na galing sa mga survey, ang wikang Filipino raw ay " (research sa lagay ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon) " Ayon kay (research) ang wika ay heterogenous, o hindi kailanman pagkakatulad ng mga ito (research). Kung ating titingnan an gating kasalukuyang sibilisasyon ay makakakita tayo ng mga taong may ginagamit na iba't-ibang wika rito sa Pilipinas (Ingles, Ilocano,Bisaya, Pangasinense, at amrami pang iba), ito ang mga wikang kanilang nakasanayang gamitin at kanilang mga wikang katutubo. Silang mga galing sa probinsiya ay may ginagamit na wikang kanila, at kapag sila ay pumupunta sa Urban Area halimbawa dito sa Quezon City ay nahihirapan silang makipag-ugnayan dahil wikang Filipino ang wikang ginagamit dito na hindi nila naiintindihan. Kaya naghahanap sila ng kasama sa Urban Area na marunong magsalita ng kaniyang wika at marunong magsalita ng Filipino para siya ay maturuan ng wikang Filipino. Isa itong dahilan kung bakit ayon kay Bienvenido Lumbera " Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito. " Hindi tayo magkakaroon ng pakikipagugnayan sa isang taong hindi marunong gumamit ng wika natin, dahil hindi magkakaintindihan. Ang wikang Filipino ay nagbabago ayon sa aming nakalap na impormasyon " Sa pag-unlad ng ating bansa at pagbabago ng panahon nagababago na din ang ating sariling wika ". Ang pag-unlad ng bansa ay isang sanhi kung bakit nagbabago ang ating wika, nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya tulad ng Cellphone, Laptop, Desktop, LED Television at iba't iba pang mga makabagong gadgets at teknolohiya. Sanhi ng mga bagong teknolohiyang ito ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng bagong ginagamit na mga salita. Tulad ng sinasabi ng aming nakalap na impormasyon " Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay ang pag uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad na lamang ng " ansaveh " na pinaikli ng salitang " Anong masasabi mo doon? " upang mapadali ang ating pakikipag uganayan; dito nawawalang silbi ang mga nakasanayang salita ng ating mga kapwa. " Nawawalang silbi ang ibang mga salitang Filipino dahil sa pagbabago ng anyo ng mga Pilipino sa dati nitong ispelling. Sa pagkakaroon ng bagong teknolohiya ay nagkakaroon din ng bagong salita halimbawa na lang ang teknolohiyang cellphone, walang salitang cellphone noong hindi pa ito naiimbento, naimbento ang cellphone noong April 3, 1973 at ito ay naimbento ni Martin Cooper. Ang salitang cellphone ay nagsimula na gamitin noong 1984. Ito ay isang patunay na ang paglago ng teknolohiya ay may kinalaman sa pagbabago ng wika.