(DOC) ESP 8 YUNIT 1 MODYUL 1: ANG PAMILYA BILANG N

文章正文
发布时间:2024-06-03 16:22

ANO NGA BA ANG PAMILYA? Ayon kay Pierangelo Alejo(2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal-kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay. Ang pamilya ay isang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. BAKIT ANG PAMILYA AY ISANG LIKAS NA INSTITUSYON? 1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan. 2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at magsama nang habambuhay. 3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay. 4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal. 5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay. 6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. 7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya. KABATAAN, kailangan mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahal ng sarili mong pamilya. BATAYANG KONSEPTO: Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. MODYUL 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak – ito ay bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal. At mula sa pagiging mag-asawa, sila ay makabubuo ng isang pamilya – isang pamilya na tungkulin nilang alagaan at arugain. Ito ay isang tungkulin na hindi maaaring talikuran o ipasa sa iba. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito. Mahalagang may kakayahan silang harapin ang anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral. Mahalaga ring maisapuso nila ang pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan. Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay na tunguhin ng tao – ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao. Pagbibigay ng Edukasyon Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.

首页
评论
分享
Top