INTRODUKSYON Maituturing ngang isang natatanging bansa ang Pilipinas batay sa pagkakaroon nito ng iba't ibang wika. Hango sa ating mga ninunong unang sumambit ng mga katagang sinasalita natin ngayon, masasabi nating matagumpay ang pagrereserba ng ating wika. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maraming aspeto ang nakaapekto sa ating sinasalita. Sa kadahilanang yumayabong ang teknolohiya at kahit na ibang wika ay atin na ring sinasali. Gayunpaman, umusbong ang ating pamamaraan sa paghihiram mula sa iba't ibang etniko at dayuhang wika. Mula sa ating wikang " Pilipino " na may dalawampung letra lamang, nadagdagan ito walo at naging wikang " Filipino ". Marahil may mga haka-haka na sa patuloy na panghihiram ng ibang wika, maaring mawala at maglaho na lamang ang ating kasarinlan. Posible kaya ito? Ngunit may iba lamang naniniwala sa ating wika ay nagpapayaman lamang sa pamamagitan ng panghihiram. Ito raw ang nagpapayabong ng sa bokabularyo ng ating wika. Sa pag-aaral na ito, susuriin ang mga hiram na salita mula sa itinuturing na wikang unibersal, ang wikang Ingles. Kalakip na dito ang mga salitang walang katumbas sa Filipino at kung paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad at pagpapayaman sa ating wikang pambansa.