Magulang:
FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandra II):
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim.
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco Mercado noong
Enero 5, 1898.
TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos):
Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado. Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya sa agrikultura. Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Dahil sa malabong mga mata ni Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng medisina. Namatay si Teodora Aquino noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang kahinaan.
SATURNINA
RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa
kanilang magkakapatid.
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng.
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong
pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo
Hidalgo ng Batangas.
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo,
Amelia at Augusto.
PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda): Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano.
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.
Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na
Babae ng Bayani
Si
Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya
ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa
pag-aaral ni Rizal
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal.
Lahat halos ng mga tula at
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si
Sisa ang pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang
na sina Don Francisco at Doña Teodora ay
itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila. Kahit na ang
kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine Bracken ay pinatira niya sa kanyang
tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng mga
paring
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay nakapiit sa barkong
“Castilla” na nakadaong sa Cavite ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose
Rizal sa kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang tahanan.
Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan
si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon at walang pangalan para
pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para
lagyan ng markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan ni Jose Rizal.
Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni
Jose Rizal.
Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at
musikero mula sa Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni Sisa
at Jose sa kanilang tahanan, sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya
na ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa kinuha
ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian.
Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak.
Ang anak nilang si Antonio na ipinanganak noong 1878, na namatay noong 1928 ay
pinakasalang ang kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng kapatid
ni Sisa na si Paciano kay Severina Decena. Ang anak na babae ni Sisa na si
Angelica na dumalay kay Jose Rizal sa Dapitan ay sumapi sa Katipunan pagkatapos
na patayin ang kanyang amain na si Jose Rizal.
Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa
ay ipinagtapat nila na ang kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si Leoncio
Lopez, and kura paroko ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal
ng katauhan ni Padre Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na
pagkatapos ng kasal nina Narcisa at Antonino ay tumira sila sa simbahan ni Padre
Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari ng namatay na pari.
Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.
OLYMPIA RIZAL
Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.
Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani
Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal.
Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi siya binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad Una Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal.
Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa pulong ng pamilya sa Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal pabalik ng Maynila ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15 ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing kasinungalingan na may mga babasahin laban sa mga pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong nagbiyahe siya sakay ng barkong Don Juan.
Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion, Patrocinio, Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong 1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang itinatag sa Dapitan.
Maria Rizal
Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.
Jose Rizal
Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani
Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.
Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae.
Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang minamahal.
Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga panahong iyon. Mahigit na sampung mga pamangkin na babae at lalaki ni Jose Rizal ang binawian ng mga buhay sa murang edad.
JOSEFA RIZAL
Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto.
Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.
Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.
Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng
Pinakasikat na Tula ng Bayani
Si
Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong
1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago
at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal.
Noong
Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay niya na ang
mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na
habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso. Pinangaralan
niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose Rizal
na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na kaunting tiyaga lamang at
siya ay magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose
Rizal nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na
nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang taon at isa’t-kalahating buwan na ang
nakakaraan.
Noong
Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay kasama si Jose Rizal
sa “casa cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado).
Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni Trining na patakasin si
Jose Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay inanyayahan ni Jose Rizal si
Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Jose Rizal ay kung sino ang
mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos parang
walang tao at walang kabuhay-buhay. Minsan ay sumulat si Trining kay Jose Rizal
na nabasa nito ang sulat sa kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si
Trining kung nakakasundo nito si Senyora Panggoy kung saan siya ay namamasukan.
Sinabi ni Trining na salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay nang
tahimik.
Si
Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa
at parehong hindi nag-asawa.
Bago
namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang
piitan sa Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang
isang lampana, isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at ibinulong sa
kanya sa wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay sa kanya na ang
lutuan ay mayroong bagay na nakatago doon at iyon ay ang kanyang huling tulang
isinulat.
Tulad
ni Josefa at dalawang pamangkin, sumapi sa Katipunan si Trinidad matapos ang
kamatayan ni Jose Rizal.
Noong
taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan mula
Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng
sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.
SOLEDAD RIZAL
Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890.
Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga magulang. Di sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at sinabi niya sa mensahe niya na isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid kay Pantaleon.
Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi raw totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora.
Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar.